My Photo
Name:
Location: Muntinlupa City, Philippines

Tuesday, April 18, 2006

embracing the dharma

halina’t tayo’y sumilip
sa isang bandang malupit
tugtugan ay hindi pilit
datung ay laging sulit

laging hiling sana maulit
saan man sumapit kahit saglit
kahit ano mang oras
alaala nila ay madikit

mga himig ay umuukit
mga diwang may sipit
tagos ng salita at tono
tila may kurot sa puso

nagsusumigaw, namimilit
mensahe mo sana’y makamit
kahit pa sobrang init
kahit pa abot singit!

ang binibining bokalista
pag nagsimula nang bumirit
talo ang huni ng pipit
tiyak di ‘to kaya ni matet

mga kanta nya’y may galit
humuhugot sa sariling sakit
sa likod ng bawat kanta
mga karanasan na mapait

ang singkit na bahista naman
dumdumdundumdun ang sabi niya
baho ay siyang kinakalabit
habang sa yosi humihit-hit

sa mga tagahanga, mabait
sa mga kaibigan, makulit
mga himig tila nasa langit
sana ako’y makata rin, shit

saliw sa awit, sabay hagupit
tagatambol naman ang hihirit
pulso ng banda ang kanyang beat
tila mga palo ay may ngitngit

isa sa dahilan kaya masikip
sa mga dilag para siyang meat
kahit sulyap lang gustong kumupit
ang mga palda punit na ang slit

ang tahimik na gitarista
nakikipagtalik ba sa gitara?
tunog nya’y parang gumuguhit
panimula ay parang sumisirit

sa entablado, sya’y humahapit
mga manonood namimilipit
kilabot sa stilong pumupunit
mga effects ay nangangalit

kaya mareng armi, just sing it.
pareng pol, tuloy lang sa kalabit.
pareng ean, show ‘em your hagupit.
pareng los, ibigay ang strings na hapit!

patapos na ang aking tula
hiling ko’y naibigan niyo sana
magkikita pa tayo ulit
sa mga gig nilang malupit

shit.

cha
041406

0 Comments:

Post a Comment

<< Home