kampana
sana nawa'ysa aking paglalakbay
sa di madaling buhay
ikaw ang kasabay
anu man ang mangyari
di sana tayo magkahiwalay
pumuti man ang buhok
kutis man ay kumulubot
ang aking tanging hiling
isang araw ako'y magising
sa aking pagkahimbing
hawak mo ang aking kamay
makitang ikaw pa rin ang kapiling
sana nawa'y sa aking pagtanda
ikaw pa rin ang kasama
sa hirap at ginhawa
chung
091005


0 Comments:
Post a Comment
<< Home