nunal at tenga
nanghihina
nanginginig
ano bang nagawa?
isa pang dagok
sige kaya pa
marami pang luha
kaya pang umiyak
sige wala naman
akong magagawa
kung masaya ka
pag nasasaktan ako
sige ayos lang
isa pang dagok
sige kaya pa
marami pang luha
kaya pang umiyak
nagtatanong
nalilito
binigay lahat
ang lahat lahat
ngunit bakit ganito
nagtiwala
nagmahal
bakit kailangan
masaktan
ikaw naman
tinuring na kapatid
inalagaan
hindi iniwan
di ko akalain
masasaktan mo rin ako
bakit kailangan
masaktan ako
nang paulit ulit
sana di na lang
nakilala
pero gayon pa man
nagpapasalamat ako
sa binigay niyong sakit
hayaan nyo sa susunod
ako'y mag-iingat
di na magpapaloko
di na magtitiwala
sa mga taong tulad niyo
pero kung darating uli
na masasaktan ako
yakang yaka na
kasi tinuruan nyo ko
maging matatag
isa pang dagok
sige kaya pa
marami pang luha
kaya pang umiyak
chung
042506


0 Comments:
Post a Comment
<< Home