My Photo
Name:
Location: Muntinlupa City, Philippines

Thursday, April 06, 2006

untitiled

hindi ko alam
kung napapansin mo
hindi ko alam
kung halata na ba ako
bakit laging
tulala at nag-iisip
tinititigan lang
ang plates at thesis
bakit araw-araw iniisip
kung pano sasabihin sayo
bakit laging nagmamadali
at parang lumalayo
kasi bawat araw
na ikaw ay nakikita
tila kilos ko
unti-unting nahahalata
balita ko
bibitaw ka na
pwes di ako
papayag
tatakbo ako
para saluhin ka
kahit madaganan pa ako
at least nasalo kita
akala mo siguro
mahalaga ka lang sakin
na wala nang iba
lagpas pa sa mahalaga
akala mo lang wala
pero meron
meron
MERON!
meron akong
sasabihin sayo
di ko lang agad sinabi
alam mo naman ako
sa dami nang beses
na sinabi mo sakin to
ngayon sigurado na'ko
gayundin ako
nais kong malaman mo
ito'y buong puso ko
Chris, mahal kita
sabihin mo...
huli na ba?

chung

23AUG03

0 Comments:

Post a Comment

<< Home