...

My Photo
Name:
Location: Muntinlupa City, Philippines

Thursday, June 29, 2006

Every Little Thing

by dishwalla

Let me in to see you in the morning light
To get me on and all along the tears they come
See all come, i want you to believe in life
But i get the strangest feeling that you've gone away
And when you find out who you are its too late to change
I wish i could be every little thing you wanted, all the time

Oh, i wish i could be every little thing you wanted, all the time, sometimes
Lift me up, just lift me up dont make a sound

Let me hold you up before you hit the ground
See all come, you say your alright
But i get the strangest feeling that you've gone away, you've gone away
And when you find out who you are too late to change
I wish i could be every little thing you wanted, all the time

Oh, i wish i could be every little thing you wanted,
every thing you wanted, all the time
Don't give me up
Don't give me up tonight
Soon nothing will right at all, salvation
Cause when you find out who you are too late to change
Too late to change
I wish i could be every little thing you wanted, all the time

Oh, i wish i could be every little thing you wanted
every little you wanted all the time
This time, every little thing you wanted all the time, oh
But i get the strangest feeling that you've gone away

Thursday, June 22, 2006

shit.

what's wrong with me?
normally, i'd feel better
after, say, a beer or two
or a puff from a stick
or a talk with a friend
and the usually effective,
is drowning myself in music.
normally, i'd feel better
after singing my lungs out.
weird, it is.
why the hell it ain't workin'
now that i badly need it?!
oh yeah, i forgot, the song
that i'm singin',
reminds me of you...

shit.

Tuesday, June 20, 2006

puso.fragmented.bigo

[pardon the quirky 'taglish' lines. its needed to complete the poem. fyi, these poem has taken form through mixing and matching of collective excerpts from the lyrically rich tracks of fragmented, debut album of up dharma down. also other lines were taken from, giving birth, an armi song.]

....:::....

maybe i should let it loose
isang hangarin na di malaman
like stamps from letters never sent
All I wanted was a leap of faith

I refuse to tame what heaven bled
do you know the tricks of fire
maybe maybe maybe
learn the tricks of fire

when i see for myself
that i cant take it anymore
and im thinking am i too late
sana ay malaman mo

hear my confessions
lingering intentions
when i see you standing there
i start to want you here with me

when you looked me in the eye
di mo lang alam naiisip kita
liwanag sa kalawakan
there is so much truth in me

you gotta hear me say.. yeah
iniisip ka ngayon
sa tuwing ngumingiti ako
baka sakali lang maisip mo ako

you know i can't hold my breathe
but you keep me breathing
Keeps me sane
in some crazy race

ikaw ang iniisip
hanggang sa gabi
sana iyong mamamalayan
di mo lang alam

you are my sunshine
and my occassional rain
i dont have enough yet you make
me feel like i have everything

standing on the edge
between crazy and sense
i apologize but im
taking me with you

Will you keep me?
di nako makapagantay
learn the tricks of fire
and wash yourself with it

sand and the sea
meet in between
fire and ice
you and i

Now that you've found me
Where do we go from here?
Now that you've found me
nothing has to end

oh i wana live forever
complete me
I swear I belong
this is where I belong

ngunit nagtapos ang lahat
sa di inaasahang panahon
at ngayon ako'y iyong iniwan
luhaan sugatan di mapakinabangan

you wont say how i can stay
will you go or stay and grow
sa laro na ito ay
dapat bang sumuko

maybe yes or no
im not so good with words
should i stay
or should i go

matalino ka naman
so wont you please
sit this through
divine after every pain

if words are too few
to keep horizons in view
gotta wake you oh
i dont think u heard me

sa isang malikmata
nariyan wala ka na
huwag hayaang
biglang mawalay

isang umaga muli nang pagiisa
sinlamig na naman ng pasko
walang mayakap at makasama
tulog ang iyong mga kamay

puro sya na lang
sana'y ako naman
ako'y nandito lang
di mo lang alam

naghihintay sa'yo
nakapikit ka na ba
ako'y naghihintay kanina pa
i badly, badly need to burn

this is what you do to me
the tears are forming
flowing too soon
baka sakali lang maisip mo naman

inaasam makita kang muli
wag mong limutin ang nakaraan
sana'y bukas parang kahapon
huwag limutin ang nakaraan

there's nothing stoping pain
One day my heart will shroud
nothing stopping pain again
trapping itself

malayo man, malapit din
when i have come so far
when you've come so far
further, farther

cha 062006

Monday, June 05, 2006

shawarma rice



by cha 060606

02 june 06
wooohooo! 15 minutes na lang at pwede na akong umalis sa opisina.

marami akong agenda ngayong biyernes. pupunta ako sa vtr na pakulo ni ra ang the gang para sa paggawa ng video parasa kanta ng up dharma down na oo. pupunta ako sa lord's o kaya ibonz para mag paprint ng imbitasyon ng kasal ng kuya ko. at pupunta ako sa saguijo para manood ng tugtugan ng terno bands.

tapos bigla kong naisip. bakit di ko kaya isama si lois? para may kasama akong maligaw sa mga lugar na di ko kabisado at para masaya ang byahe.

"lois may problema ko, kailangan kong magprint ng invitation kase hindi ako makasingit singit dito sa office. samahan mo ako dun sa pinagprintan nyo dati nung thesis natin.."

game naman si lois sa biglaang lakad namin.

umalis ako sa opisina ng 6:30 pm. gutom nako ngunit kailangan kong magmadali kaya ang binili ko na lang, dalawang bavarian funsize sa dunkin donuts. nguya sabay lunok.

nagmrt na ako pagdating sa mantrade para mas mabilis. grabe ang pila! sobrang haba na parang instant pancit canton. pinagkulot kulot para magkasya. at syempre siksikan, di mawawala ang mga manyakis na kung makatingin ay para bang hinuhabadan ka. sa lalakeng yun, suwestyon ko: mamamatay ka na!

inabot ng dalawang oras ang aking byahe. nakarating ako sa gma kamuning ng 8:00 pm. ika ni lois pagkababa ko mayroon na daw agad masasakyan doon papuntang philcoa. wala akong nahanap. lakad doon. lakad dito. wala talaga. nais ko nang magtaxi kaso kailangan kong magtipid kasi malapit na ang bertday ko. kaya nag tiis akong maghintay.

ang pinagtataka ko. hindi sumasagot si lois sa mga text ko. miscol ako nang miscol, wala parin. kaya tinawagan ko na. hindi daw sya nakapagload at brownout sa kanila. kanina pa daw sya sa philcoa. uunahin sana namin ang magpaprint ng imbitasyon sa quezon city kaya doon kami magtatagpo. pero dahil nga walang masakyan sinabi ko kay lois na pumunta na muna kami sa vtr dahil 9:00 pm na nung mga oras na iyon. hanggang 10:00 pm lang daw mghihintay sila ra. hinintay ko si lois sa isang madilim na sulok sa gma building. medyo nakakatakot ang lugar na iyon...

...at sa wakas dumating na si lois!

nagmrt kami papuntang araneta. at mula doon ay naghanap na ngtaxi. anu kaya ang meron? napakaraming tao! wala kaming masakyan na taxi. walang magawa, sumakay na lang kami ng jeep. nakarating kami sa furball, inc. ng sakto alas diyes ng gabi.
ni wala akong oras para makapag-suklay man lang. andungis dungis ng itsura ako. isipin nyo, nakaputi pa ako with matching sugod sa ulan, siksikan sa mrt at putik sa puting tsinelas. syempre si lois bilang kaibigan, wika nya'y maganda pa rin naman daw ako. naks.

pinag-fill up ako ng isang papel na nagtatanong ng mga bagay tulad ng vital statistics at bra size. anu daw? wala akong ideyakung ano ang mga sukat ko dahil hindi ako ang bumibili ngsarili kong bra. at kahit ang vitals. nakalimutan ko na! kaya nanghula na lang ako. nakow! sana tama.

at ito ang masaklap, sinabi sa akin ni ra na tamang informal lang na interview ang magaganap. hala! may camera at spotlights!bigla akong pinatayo sa harap ng camera at binigyan ng mgasitwasyon na i-aakto. habang tinitignan nila ako sa isang maliit na tv. shet di man lang ako nakapagprepare at pwede ba di naman ako marunong umarte noh.. tsk.. sana matanggap pa rin ako bagama't naging katatawa ang aking vtr.

tumambay saglit sa isang tindahan habang sumisipsip ng ice candy habang pinaguusapan namin kung tutuloy pa sa lord's. nais kong manuod ng gis sa saguijo at namimiss ko na rin ang up dharma down pero syempre gusto ko unahin ang imbitasyon dahil papatayinako ng nanay ko pag wala pa rin akong napprint.

kaya tumuloy pa rin kami. umalis kami sa cubao ng 11:00 pm. 12:00 am na kami nakarating sa up village kung saan matutuon ang lord's. naligaw ligaw pa kami. at nang sa wakas nahanap na.. sarado na daw sila at lunes na uli ang bukas.

f*ck! haaay... nabigo ako.

naglakad na lang kami ni lois pabalik. pinili naming maglakadpara makapagmuni muni sa buhay buhay. habang sabay kumakanta ng...

"i did my best.. but i guess my best wasn't good enough.. waaaaaaah"

para sa inyong kaalaman lang.. bukod sa bigo kaming magpaprint,pareho din kaming bigo sa kasalukuyang pag-ibig. pero ayos lang tawa lang... lakad... lakad.. hanggang sa makakita kami ng isang shawarma rice. ababu ang ngalan ng kainan. bigla kong naalala nahindi pa pala ako naghahapunan. aba ala una na pala ng umaga.

"krok...krok..." sabi ng tyan ko

kumain kami ng shawarma rice at isa pang ulam na maanghang na di ko na maalala ang pangalan. at ang nakakatuwa ang iced tea nila P7 lang isang baso. kaya nag bottomless kami na P30 lang! hala nagpakalasing na lang sa iced tea... sharap.

"i did my best.. but i guess my best wasn't good enough.. waaaaaaah"

naku may gig pa pala sa saguijo.. so tinext ko si pol kung meron ba silang passes (hehe para naman makatipid). nagreply sya at hindi daw sila tumugtug. outerhope ang pumalit sa kanila sabi naman ni ean.

aaay... sayang...

inom pa kami konti ng iced tea nang bigla naming mapagtanto ang baduy ng gimik namin. kaya nag internet kami para malaman kung may iba bang gig sa tabi tabi. kaso sa dami ng email at online napatagal ang internet.inabot kami ng 2:30 am. wala rin kaming nahanap na interesting kaya nagdesisyon na lang na umuwi na.

lakad... lakad... nang biglang nagtext sila jay at kervy. sila ang mga officemate ni cholo and bam na nakilala namin sa puerto. malapit lang daw sila kung nasaan kami. imeet daw nila kami sa jollibee philcoa. kaya wala kami nagawa at mineet namin sila.mga baliw hehe. kwentuhan. kumain. tumawa. at tumawa pa.

3:00 am na nang mga oras na iyon. naikwento ko ang aking dilemma tungkol sa pag print ng imbitasyon...

tanong ko, "sa inyo be kervs, pwede bang makiprint?" habang ngumunguya sajolly cheesy fries...

"hmmm pwede kasi nasa akin ang susi. ang problema inubos kanina ni cholo yung black ink..." sagot ni kervy

kaya inisip namin. isip... isip...

"pero kung gusto nyong sumugal, ayos lang samin. malay mo diba makahanaptayo ng ink" ika nila kervy at jay

"tara! sumugal tayo... i-try na rin natin" ang desisyon ko

sumakay kami ng taxi papunta sa makati. diretso sa opisina ng solar entertainment.



nakarating kami doon ng halos mag aalas kwatro na. tulog na ang mga guard. kinailangan pang akyatin ang bakod para gisingin sila.

pagpasok namin. ang unang tinignan ay kung may black pa bang ink para sa laser printer. hanap dito. hanap doon. wala talaga. nagikot ikot ako nang makita ko bigla ang isa pang laser printer na pang black lang.

"pwede ba ito?" tanong ko kay kervy

"pang black lang yan, cha"

"black lang naman kailangan ko. oks na to!"

"black lang ba? di mo naman sinabi! game!"

at nagtrabaho na kami. mabuti naman pala at dinala ko ang mga board ko. nakapagprint kami at konting design revisions habang nagsasound trip at nood ng tv. at friendster and check ng email. multi tasking!



mabilis naming na-cut lahat ng 130 pirasong imbitasyon. galing! natapos ito lahat ng eksakto ala singko ng umaga.

waaaah sa wakas tatanggapin na ako uli ng aking ina! may maipapakita na akong mga imbitasyon! makakauwi na ako! yeba! salamas sa inyo lois, kervyand jay... mwah! mwah! mwah!

palabas na kami ng gusali nang maisip ko na bagama't umaga na, hindi pa rin ligtas para sa akin ang umuwi. alanganing oras para sa isang taga malayong lugar. kaya naisip namin. magpalipas muna kaya kami ng oras sa baywalk?

"tara!" sabay sabay silang sumagot

nagtaxi kami papuntang baywalk...



at nang makarating na... wow. napaka-relaxing ng feeling. madami nang nagjojogging. at nagmumuni muni. ang malungkot na tanawin ng manila bay, bagama't kulay abo pa lang ang ang makikita, ay lalong nakapagbibigay ng kulay sa mga taong naglalakad at natutulog dito. mapapaisip ka kung anu ba ang mga istorya nila sa buhay.

at napakanta kami ng "mahal kong maynila..."

naglakad kami ng konti at sa wakas ay nakahanap ng magandang pwesto sa tabi ng tubig alat. mabuti na lamang at maraming dalang pagkain si kervy at naging busog ang aming pagninilay-nilay. dito rin namin inabuso na ang maliit na makinang dala ni lois, ang camera.



hala! pindot dito, pindot doon. para kaming mga baliw na tawa ng tawa at hindi
nauubusan ng posing at ngiti at emote at project sa harap ng camera.




hanggang sa umabot kami sa memory full. wag ka. ganun kadami ang mga picture namin. at marami pang binura sa lagay na yun.





basta tawa kami nang tawa... kahit sa maliit na bagay lamang ay natatawa.







hanggang inabot na kami nang liwanag. alas syete na pala ng umaga. oras na para umuwi.

nagsimula na kaming gumayak patungo sa taft. lakad... lakad... tawa... tawa...sa isang iglap nasa taft na kami.

kailangan ko na magpaalam, dahil lahat sila ay taga-north. nagpasalamat na ako, bumeso at nagpaalam na...sumakay sa jeep patungo sa terminal.

nakasakay na ako sa bus -- pagod dahil nagmula pa sa trabaho diresto sa gma cubao up village philcoa makati manila bay, puyat ng 26 oras, masakit ang mata dahil hindi pa nakakapagtanggal ng contact lens, malagkit dahil wala pang ligo, madungis dahil dumaan sa ulan at putik -- pero gayon pa man. itong paglalakbay na ito ay maraming pabaon sa akin na tuwa, tawa at pasasalamat.

lois - isa ka talagang tunay na kaibigan. laging maaasahan. laging nandyan. talagang kahit saan mapunta dinamayan mo ako. salamas! labshyu!



kervy - sa iyo, nakatagpo ako ng bagong kaibigan. nararamdamn ko, magiging makulay itong pagkakaibigan natin sa ngayon at sa hinaharap. salamas sa tulong mo!



jay - alam ko napagod ka, pero hindi mo kami iniwan. sa halip ay tinulungan mo pa at dinamayan. pasensya na pero salamas talaga!



alam ko nararapat lamang na ang maging pamagat nito ay "dose oras ng lakbay tawa," ngunit gusto kong magpasalamat sa shawarma rice at binigyan nya ako ng lakas at pag-asa. kung hindi dahil sa kanya ay namatay ako sa gutom. hehe


pahabol: 03 june 06 ala una ng hapon. ginising ako ng nanay ko mag ayos na daw ako dahil pupunta daw kami sa BAYWALK ng alas singko ng hapon. anu daw? napangiti na lang ako...

-end-

the crazy adventures of lois and cha -- vol.3