titig
by chigo (from the compilations of "para kay diwata)
kada minuto
kumukurap ako
nakatingin sa malayo
nakangiti, sisimangot
maluluha, nabuburaot
unti-unting ibabangon ang sarili
sumisigaw ang kalooban
at di na magsisisi
mga bagong nakaraan
mga lumang kinabukasan
pilit kong inuunawaan
bakit ako nilisan
bukas, o sa makalawa
babalik na naman ako dito
sa lugar na madalas lubugan ng araw
sa upuan na madalas kong dinadalaw
titigan mo akong muli
kahit marami kang pighati
bigyan mo pa ako ng sandali
palitawin natin sa mukha mo
ang iyong dating ngiti.
kada minuto
kumukurap ako
nakatingin sa malayo
nakangiti, sisimangot
maluluha, nabuburaot
unti-unting ibabangon ang sarili
sumisigaw ang kalooban
at di na magsisisi
mga bagong nakaraan
mga lumang kinabukasan
pilit kong inuunawaan
bakit ako nilisan
bukas, o sa makalawa
babalik na naman ako dito
sa lugar na madalas lubugan ng araw
sa upuan na madalas kong dinadalaw
titigan mo akong muli
kahit marami kang pighati
bigyan mo pa ako ng sandali
palitawin natin sa mukha mo
ang iyong dating ngiti.

