My Photo
Name:
Location: Muntinlupa City, Philippines

Wednesday, August 16, 2006

kuno

by cha
081606

paano mo nagawa ito?
ikaw na kagalang-galang,
pagkapita-pitagan. mga bulag
na mata'y laging nagkakandarapa
sa iyong mga utos dahil ikaw
ikaw ay disente at matino. isang
katangian na sa ating lipunan
ay salat.

bakit ka nagkaganyan?
ikaw na tinitingalang mambabatas
naninindigan sa batas ng lipunan
at sa kalangitan. laging humahanay
sa kung ano ang tama. katarungan
sa mga api at pagal.

anu ba ang nangyayari sa'yo?
ikaw na nagsilbing ehemplo
sa iyong mga anak. mga kamay
na humubog sa haligi ng
kanilang pagkatao. ngayon,
mga kamay na pumipiga ng
luha sa kanilang mata.

bakit ka ganyan?
lahat ng tikas at talino
mo, lahat ito pawang mga
kuno, peke, walang kwenta,
walang saysay. dahil hindi
ka pala tunay na lalake
gaya ng inisip ko

nakakatawa isipin
nahulog kami sa iyong alindog
nakakaiyak isipin
ikaw ang tatay ko

2 Comments:

Blogger GreenMangoes said...

Kuno. in english... "that's what she/he said." kind of thing. hehe!

Or a false hope. ??

5:52 PM  
Blogger cha said...

kuno -- deception, fraud, imitation, hoax. that's what he is.

12:17 AM  

Post a Comment

<< Home