My Photo
Name:
Location: Muntinlupa City, Philippines

Wednesday, August 23, 2006

tuldok

by cha
082206


bakit hindi tumitigil ang pagtibok
pagtibok ng puso para sa iyo
bakit hindi tumitila ang mga luha
luhang daig ang buhos ng bagyo
marahil dahil may pag-asa pa
pag-asa na sana ay dumating
dumating na sana ang panahon
panahon na ako'y iibigin mo rin
ngunit mga luha ngayo'y mas mapait
mas mapait kumpara sa dati
ang kakarampot mong atensyon
atensyon na ngayon ay pinagdadamot
unti-unti, ikaw ay lumalayo
lumalayo hanggang di na maabot
maabot ka sana kahit sa isang sulyap
sulyap sa iyo, mapansin mo kaya?
kailan mapapagod ang aking puso
puso kong namimilipit sa sakit
sakit na dulot ng kawalan
kawalan ng linaw sa hinaharap
marahil kusa rin ito mapapagod
mapapagod din sa pagtibok, may wakas
wakas ng luha sa aking mga mata
mata na nakasaksi sa lahat ng pighati
kailan nga ba titigil ang kabaliwan
kabaliwan na tinatawag nilang pag-ibig
pag-ibig na walang dinulot kundi sakit
sakit na sana ay matuldukan.
matuldukan kailan? hindi ko alam


wala sa akin ang sagot.

2 Comments:

Blogger GreenMangoes said...

I've always known you for being a person who rarely obeys rules when it comes to poetry writing.

You've made your point.
You've rhymed the words.
But you had styled it the way you
wanted it. -No four lines per block. =)

astig!

5:49 PM  
Blogger cha said...

feel the rythm, the rush, the pulse and the conscious painful pause per line. if you felt it. then you feel me... :)

as always, thanks chigo!

12:15 AM  

Post a Comment

<< Home