...

My Photo
Name:
Location: Muntinlupa City, Philippines

Monday, September 04, 2006

bass lines

a haiku

coming and throbbing
steady beats are burning me
throbbing and coming

Sunday, September 03, 2006

dilaw na pakete

(song for juicy fruit's rockoustics campaign)

maganda na sana ang panaginip
talak ni ermats biglang sumingit
haay sermon na naman ang bumungad
syet wala tuloy akong agahan!

kumapa-kapa sa aking bulsa
buti na lang may dilaw na pakete
ngumuya-nguya habang naglalakad
ito na ang agahan pansamantala

tumulak na ako papuntang opisina
nabanggit ko bang ako'y late na?!
nang nakasalubong ang aking crush
sakto sa putikan ako'y nadapa!

badtrip. malas.
bakit ba ganito? matino naman ako
sige ayos lang, nguya na lang
may dilaw na pakete naman akong kasama
sige ayos lang, nguya na lang
sige ayos lang, nguya lang

ako'y naghahanda nang magbayad sa jeep
hala! naiwan ko pala ang aking pitaka
baka patayin ako ni mamang driver!
eto na isa, dalawa, tatlo, talon na!

sa opisina, pinag-iinitan ng boss
kamukha ko daw ang taksil nyang asawa
mantsa ng kape umeksena naman sa'king damit
syet wala naman akong dalang pamalit

badtrip. malas.
bakit ba ganito? matino naman ako
sige ayos lang, nguya na lang
may dilaw na pakete naman akong kasama
sige ayos lang, nguya na lang
sige ayos lang, nguya lang

malas na kung malas
pero relaks lang
nakakapangit
pag laging mainit ang ulo

ayos lang. wala na akong pakialam
nguya lang, kasama ang dilaw na pakete
sige ayos lang, nguya na lang
sige ayos lang, nguya lang

ningas

Translated by Esra

Blink by blink. Slowly.
I felt the soft brush
Of your feverish breath.
And each time your body touches,
I feel
The spread of venom devouring my senses.
I ain’t have complains,
Except for a subtle crick
I don’t think you heard it
Or you just remained oblivious of it.
At this point, I knew
That this is the effect of the cause I made.
And I have embraced the truth…
That you gave me life, so I can die.

-----------------------------------

Unti-unti. Dahan-dahan.
Nadama ko ang pagdampi
Ng hininga mong sakdal hapdi.
At sa bawat lapat ng katawan mo,
Naramdaman ko
Ang pagkalason ng buo kong pagkatao.
Hindi ako tutol,
Maliban sa mahinang pag-ingit
Na di mo yata narinig
O’ di mo man lang pinansin.
At sa puntong ito, tanggap ko
Na ito ang katuturan ng aking pag-iral.
At tanggap ko ang katotohanan…
Binuhay mo ako upang mamatay.

Friday, September 01, 2006

barya

by chigo for diwata

abunuhan mo naman ako ng panahon
di ko kayang bumili ng pagkakataon
singilin ang kinabukasan
pautangin ang nakaraan
pagtuosin natin ang ating nararamdaman
kwentahin ang mga walang kwentang umaasa
barya ka lamng sa umaga
pagkakitaan ang kahinaan
kumuha ng lakas sa ewan
magnakaw ng bawat masasayang sandali
pagkat minsan lang sa buhay ang maging wagi
bugnot?

malungkot?
gusot?
nakasimangot?
tuod.

lick me

a haiku by esra


go on, lick my wounds
take away the awful pain
heal me with your drool