My Photo
Name:
Location: Muntinlupa City, Philippines

Sunday, September 03, 2006

dilaw na pakete

(song for juicy fruit's rockoustics campaign)

maganda na sana ang panaginip
talak ni ermats biglang sumingit
haay sermon na naman ang bumungad
syet wala tuloy akong agahan!

kumapa-kapa sa aking bulsa
buti na lang may dilaw na pakete
ngumuya-nguya habang naglalakad
ito na ang agahan pansamantala

tumulak na ako papuntang opisina
nabanggit ko bang ako'y late na?!
nang nakasalubong ang aking crush
sakto sa putikan ako'y nadapa!

badtrip. malas.
bakit ba ganito? matino naman ako
sige ayos lang, nguya na lang
may dilaw na pakete naman akong kasama
sige ayos lang, nguya na lang
sige ayos lang, nguya lang

ako'y naghahanda nang magbayad sa jeep
hala! naiwan ko pala ang aking pitaka
baka patayin ako ni mamang driver!
eto na isa, dalawa, tatlo, talon na!

sa opisina, pinag-iinitan ng boss
kamukha ko daw ang taksil nyang asawa
mantsa ng kape umeksena naman sa'king damit
syet wala naman akong dalang pamalit

badtrip. malas.
bakit ba ganito? matino naman ako
sige ayos lang, nguya na lang
may dilaw na pakete naman akong kasama
sige ayos lang, nguya na lang
sige ayos lang, nguya lang

malas na kung malas
pero relaks lang
nakakapangit
pag laging mainit ang ulo

ayos lang. wala na akong pakialam
nguya lang, kasama ang dilaw na pakete
sige ayos lang, nguya na lang
sige ayos lang, nguya lang

0 Comments:

Post a Comment

<< Home